(Eagle News) — Hindi pa man naihahain ang panukalang batas ukol sa pagbabalik ng “death penalty” sa bansa, malaki raw ang tsansa na mabilis itong maipapasa sa kongreso. Ayon kay presumptive house minority leader Danilo Suarez, nasa walumpung porsyento ng mga miyembro ng 17th Congress ang tiyak na boboto ng pabor sa “death penalty bill “o ang tinatawag na “super majority” sa kamara. Ang nasabing panukalang batas ay una sa mga ‘priority bills’ ng administrasyon […]





