CALOOCAN CITY, Metro Manila (Eagle News) – Nagsagawa ng kilos-protesta sa Caloocan ang iba’t ibang samahan nitong Lunes, ika-16 ng Oktubre, subalit hindi naman ito nakaapekto sa mga pasahero sa kabuuan. Hindi nakiisa sa protesta na layong pigilan ang jeepney modernization program ng gobyerno ang samahang Pasang Masda, na isang samahan din ng mga driver at operator ng jeep, at ilan pa. Nagpalabas din ng mga sasakyan ang mga lokal na pamahalaan na libreng tumugon […]





