PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Nasungkit ng dalawang Pilipino ang gintong medalya sa katatapos lamang na ASBC Asian Confederation Junior Boxing Championship 2017 na ginanap sa Puerto Princesa City Coliseum. Ang buong palaro ay isinagawa simula noong Agosto 2 at nagtapos noong Agosto 7. Kinilala ang mga nagwagi na sina Kenneth Dela Pena, 16 taong gulang, tubong General Santos City; at John Vincent Pangga, 15 taong gulang, na nagmula naman sa Cagayan de Oro […]





