Tag: kasong libelo

Lowell Menorca II nahaharap sa patung-patong na kaso ng libel

Nahaharap sa patung-patong na kaso ng libel si Lowell Menorca II kaugnay ng kaniyang mapanirang pahayag laban sa grupong Society and Communicators and Networkers o SCAN International. Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Menorca sa isang panayam ng media na ang SCAN International ay isa umanong ‘hit squad’ o ‘death squad.’ Ang pahayag na ito ni Menorca ay nagdulot ng kahihiyan, pamimintas at panlalait sa mga miyembro ng SCAN. Dahil sa pangyayaring ito, sunod-sunod na […]

Joy Yuson, sinampahan ng isa pang kasong libelo sa Bataan

Nahaharap na naman sa isang kaso ang natiwalag na ministro ng Iglesia Ni Cristo nas si Eliodoro “Joy” Yuson Jr. Si Yuson ay sinampahan ng kasong libelo sa City Prosecutors Office ng Balanga City dahil sa paninirang puri nito sa mga ministri ng Iglesia. (Agile Probinsya Correspondent Kenneth David)

SCAN International ng Capiz at Laguna Chapter, nagsampa ng kasong libelo laban kay Menorca II

Naghain na rin ng kasong libelo ang SCAN International Capiz Chapter sa itiniwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo na si Lowell Menorca II. Bukod dito, nagsampa na rin ng kaso ang mga miyembro ng SCAN Internationa sa lalawigan ng Sta. Cruz, Laguna laban kina Lowell Menorca at Eliodoro “Joy” Yuson. Kaugnay ito ng malisyosong pahayag ni Menorca at Yuson patungkol sa mga miyembro ng SCAN International. (Agila Probinsya Glenn Bautista, Ben Salazar, Nathaniel Flores)

Kasong libelo laban kay Menorca II, patuloy na nadaragdagan

Patuloy pang dumarami ang nagsasampa ng kasong libelo laban sa itiniwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo na si Lowel Menorca II. Sa pagkakataong ito naghain ng kasong libelo ang Society of Communicators and Networks o mas kilala sa tawag na SCAN International-Zambales North Chapter at Oriental Mindoro Chapter. (Agila Probinsya Correspondent Ben Salazar)

Libel VS Menorca at Yuson, isinampa ng Iglesia Ni Cristo sa Zambales

Nagsampa na rin ang Society of Communicators and Networks International o kilala sa tawag na SCAN International – Zambales Chapter, South District ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca II. Ito ay kaugnay ng kanyang paratang na ang nasabing grupo ay “hit squad” ng Iglesia Ni Cristo. Samantala, sa kaugnay na balita ay isa pang ministro ng Iglesia Ni Cristo ang nagsampa ng kasong libelo laban kay Eliodoro Yuson. Ayon sa ministro ng Iglesia Ni […]

Kasong libelo laban kay Menorca , lalong nadaragdagan

Patuloy na nadaragdagan ang mga kasong isinasampa laban kay Lowell Menorca II, nitong nakaarang weekend ay nagsampa na din ang SCAN International-Cebu Chapter, Bohol Chapter , Catanduanes Chapter at Misamis Oriental Chapter. Kapwa nagsampa ng kasong libelo ang mga ito laban kay Menorca dahil sa panininrang puring ginawa nito patungkol sa SCAN International. Matatandaang noong Oktubre28 ay tinawag ni Menorca na isang private army, death squad at hit squad ang nasabing grupo. Kung saan taliwas […]

Digos City Chapter ng SCAN International nagsampa ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca II

Sinampahan na rin ng Society of Communicators and Networkers o SCAN International sa Davao Del Sur Chapter ng kasong libelo si Lowell Menorca II dating manggagawa ng Iglesia Ni Cristo. Kahapon ng umaga, nagtungo ang mga miyembro ng SCAN sa Department of Justice ng Prosecutor Office ng Digos City kung saan isinampa ang kaso laban kay Menorca. Nakasaad sa apat na pahinang sinumpaang salaysay ni Arnel Israel, Vice President ng SCAN Digos Davao Del Sur […]