(Eagle News ) — Tinatayang 20 katao ang sugatan matapos ang nangyaring karambola ng sampung sasakyan Biyernes ng umaga, Marso 9, sa Roxas Boulevard, Parañaque City. Sa 20 katao, nasa kritikal na kondisyon ang 12. Kabilang sa salpukan ang dalawang bus, apat na jeepney, dalawang UV Express van at dalawang motorsiklo. Ayon sa salaysay ng isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority Metrobase, isa sa mga bus ang hindi kaagad nakapagpreno dahilan upang nagresulta ito ng […]





