(Eagle News) — Mahigit tatlong libong indigent senior citizens sa buong lalawigan ng Palawan ang nakatanggap na ng kanilang buwanang pensiyon sa ilalim ng local social pension ng pamahalaang panlalawigan para sa mga buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon. Ayon kay Gng. Helen G. Bundal, Population Program Officer II ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO, mahigit P4 milyon ang halagang naibahagi ng kanilang tanggapan sa mga benepisyaryo ng naturang programa para […]





