Ni Irene Sino Cruz Eagle News Service CEBU CITY, Cebu (Eagle News) –Nasamsam ng mga pulis ang pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagang Php9 milyon sa magkakahiwalay na operasyon sa Cebu. Unang isinagawa ang operasyon hapon ng Miyerkules, Hunyo 13, sa Sitio Tabasca, Brgy. Basak, San Nicolas. Dito nakumpiska ang isang medium-sized na plastic pack, dalawang large-sized na plastic pack at isang extra large na plastic pack na may laman na hinihinalang shabu na nagkahalagang Php3.5 milyon. […]





