Nasa pre-charge investigation na ng PNP Internal Affairs Service ang kasong administratibo laban sa mga pulis na sangkot sa pagkidnap at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo. Ilang Korean national naman ang nagtungo kanina sa Kampo Crame para mag alay ng bulaklak sa lugar kung saan sinasabing napatay ang Koreano. Ang detalye sa report ni Mar Gabriel: https://youtu.be/ioUC9STqBYg
Tag: Jee
Hustisya sa pagkamatay ni Jee, hiniling ng South Korea sa PHL
Humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa pagkamatay ng Korean businessman na si Jee Ick Joo. Pero nanawagan ang pamahalaan ng South Korea sa Pilipinas na lutasin at bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng negosyante. Sa statement ng embahada ng South Korea, sinabi nitong dapat magkaroon ng masusing imbestigasyon sa isyu at mapanagot ang responsable sa karumal-dumal na krimen. https://youtu.be/v_0mTIQcGp8
Pagdinig sa ‘Tokhang-for-Ransom’ sinimulan ng Senado
Sinimulan ng Senado ang imbestigasyon nito sa ‘Tokhang-for-Ransom’. Nagharap harap kanina ang byuda ni Jee Ick Joo,ang kasambahay ni Jee, ang sinasabing nasa likod ng pagdukopt at pagpatay sa korano na si SPO3 Ricky Sta. Isabel, mga matataas na opisyal ng PNP at DOJ. Sa pagdinig, nadiin sa krimen si Sta. Isabel, pero binigyang-diin nito na isa lamang siyang fall guy. Panoorin ang report ni Meanne Corvera:





