DAVAO CITY (Eagle News) – Sa animnapu’t siyam na biktimang nasugatan sa Roxas Night market blast noong Septermber 2, labing-siyam (19) pa ang nasa anim na mga ospital sa Davao City hanggang sa ngayon. Ayon sa talaan ng City Social Services and Development Office (CSSDO) ang naiwang labing walong biktima ay hindi na kritikal ang kalagayan dahil nailipat na di-umano sila sa private rooms. Si Julius Gallardo naman ay nananatili pa rin sa Intensive Care Unit (ICU) […]





