Isa pang malaking lingap-pamamahayag ang matagumpay na naisagawa ng Iglesia Ni Cristo Sa Philippine Arena sa Ciudad De Victoria sa Bocaue, Bulacan. Itinaguyod ito sa pagtutulungan ng apat na distrito ng Iglesia Ni Cristo mula sa Pampanga East at West, Zambales South at Laguna West. Pinangasiwaan din ng Kapatid na Glicerio Santos Jr., General Auditor ng INC ang pagtuturo ng aral na sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo. Alas-onse ng umaga nagsimulang papasukin ang mga panauhin […]





