(Eagle News) — Kinakailangan umanong matiyak ng gobyerno ang proteksyon ng mga human rights defender sa bansa. Pahayag ito ng Commission on Human Rights (CHR) matapos na manawagan si United Nations Special Rapporteur Michel Forst sa gobyerno ng Pilipinas na itigil na umano ang pag-atake nito laban sa mga human rights defender at kilalanin ang kanilang ginagawa. Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, nananawagan din ang komisyon sa gobyerno na gawin nito ang tungkulin […]





