QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — “Sue me.” Ito ang naging tugon ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa banta ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na magsasampa siya ng kaso laban sa kaniya sa Korte Supreme kapag bigong maipatupad ang ika-apat na tranche ng salary increase para sa mga kawani ng gobyerno sa Enero 15. Ayon kay Diokno, ang umento sa sahod ay nakapaloob sa panukalang 2019 National Budget na nakabinbin pa sa Kongreso. […]





