MANILA, Philippines (Eagle News) — Bahagyang humina ang hanging Amihan na nagdadala ng malamig na hanging tuwing holiday season. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa Martes o Miyerkules inaasahang muling lalakas ang amihan na aabot hanggang Metro Manila. Samantala, ngayong araw ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang silangang bahagi ng northern Luzon dulot ng cold front. Habang sa Visayas at Mindanao naman, magdadala ng pag-ulan at thunderstorms ang ITCZ […]





