(Eagle News)– Kasabay ng Brigada Eskwela, nanawagan ang ilang mga magulang at guro sa alkade ng Maynila na si Joseph Estrada na tulungan silang aksyunan ang mabagal na paggawa sa Gregorio Perfecto High School (GPHS), sa Tondo, Maynila. Ang nasabing eskwelahan na may 40 silid aralan ay sinimulang kumpunihin noon pang Agosto 4, 2014 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatapos. Ayon sa school administrator na si Edwin Santos, dalawang beses na raw nasunog […]





