Tag: Green Sea turtle

Green sea turtle na na-trap sa baklad, pinakawalan sa Roxas, Palawan

ROXAS, Palawan (Eagle News) — Isang malaking green sea turtle ang na-trap sa baklad at napadpad sa Brgy. San Isidro ng bayang ito noong Huwebes ng hapon, ngunit agad din itong pinakawalan. Agad na tinungo ng mga otoridad ng bantay-dagat sa Roxas at mga kinatawan ng Department of Natural Resources (DENR)-Roxas ang malaking pawikan nang ipagbigay-alam  sa kanila ang pagkakapadpad nito ng mga residente. Ang green sea turtle na ito ay tumitimbang ng halos 200 […]

Pawikan, aksidenteng nalambat sa Oriental Mindoro

BONGABONG, Oriental Mindoro (Eagle News) — Isang pawikan ang aksidenteng nahuli sa Oriental Mindoro kamakailan. Ayon kay Ariel Robledo na isang mangingisda sa Barangay Labasan, Bongabong, naghulog siya at ang kaniyang mga kasama ng talapira—-isang uri ng lambat—sa dagat. Nang hilahin nila ito sa tabi ay nakita nila ang pawikan na napasama sa kanilang mga nahuli sa lambat. Ang pawikan–o green sea turtle—ay may habang 100 centimeters, at may lapad na 96 cm. Tinatayang ito ay 15 […]

Malaking pawikan na-rescue sa Ipil, Zamboanga Sibugay

IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Isang malaking pawikan ang nalambat ng mga mangingisda na mayroong bigat na 180 kilograms.  Ang nasabing pawikan ay kabilang sa species ng  green sea turtle na isa umanong endangered species. Ayon kay Felix Badon, Ipil MENRO, nahuli ng lambat ng mangingisda ang pawikan sa Sibakya, Barangay Sanito ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Agad itong ipinagbigay-alam sa kanilang tanggapan.  Ito na ang ika-98 marine sea turtle  na narescue ng LGU-Ipil mula noong taong […]

Dalawang pawikan na natagpuan sa isang hukay, ibinalik na sa karagatan

STA. MARIA, Romblon (Eagle News) – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Romblon ang dalawang pawikan sa bayan ng Sta. Maria noong Martes ng umaga, March 7. Ang nasabing pawikan ay nakuha sa isang hukay malapit sa dalampasigan ng Sitio Tuburan, Brgy. Concepcion Norte, Sta. Maria, Romblon. Ayon kay Benito Largueza na pansamatalang nag-alaga ng nasabing mga pawikan, nakita aniya niya ang mga ito sa […]

Pawikan natagpuang patay sa Mamali, Mati City, Davao Oriental

MATI City, Davao Oriental — Green Sea turtle  na pawikan ang natagpuan ng isang mangingisda sa karagatan ng Sitio Dakab, Barangay Mamali, Mati City, Davao Oriental na wala ng buhay kahapon, Mayo 23. Ang nasabing pawikan ay may lapad itong 2.5 feet, 4.5 feet na haba at ang timbang ay hindi bababa sa 100 kilo. Ayon kay Brgy. Chairman Johnny Bardon, nakita ang pawikan na palutang-lutang sa dalampasigan ng naturang sitio at agad naman itong ini-report ng […]