(Eagle News) — Nais ng liderato ng Kamara na imbestigahan ang ulat ng umano’y plano ng US Government na patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, sa Enero balak simulan ang imbestigasyon. Disyembre 16 ang huling plenary session ng Kamara at sa Enero 16 naman ito muling magbubukas. Ayon kay Alvarez, hindi maganda ang nasabing balita at kailangang alamin aniya ang puno’t dulo nito. Hindi rin aniya magandang ideya […]
Tag: Goldberg blueprint
Goldberg blueprint’ minaliit ng Malacañang
(Eagle News) — Mahihirapan ang alin mang grupo na nagbabalak na ibagsak sa poder ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang reaksyon ng Malacañang sa lumabas na ulat na mayroong blue print na ginawa si dating US Ambassador to Manila Philipp Goldberg na naglalayong ibagsak si Pangulong Duterte. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sa laki ng public support ni Pangulong Duterte malabo ang anumang tangkang pabagsakin siya sa puwesto.





