Ni Freddie Rulloda Eagle News Service BAGUIO CITY, Benguet (Eagle News) – Patay ang apat na katao habang sugatan naman ang walo pang indibidwal matapos mahulog sa malalim na bangin ang isang van sa Sitio Guesset, boundary ng Tinongdan, Itogon at Bokod, Benguet Huwebes ng gabi, Abril 19. Dead on the spot sina Gemalyn Lorenzo, 28; Julie Valencia, 52; at Antonio Bulay, 65. Dead-on-arrival naman sa pagamutan ang isa pang biktima na kilalang si Alfredo […]





