BAYBAY CITY, Leyte (Eagle News) – Naiwang sinaing ang itinuturong dahilan ng pagkakatupok ng mahigit na tatlumpung kabahayan sa Sto. Nino, Baybay City, Leyte. Nangyari ang nasabing insidente noong Biyernes, Mayo 19 bandang 10:00 ng umaga. Nagsimula ang sunog sa bahay ni G. Eduardo Quillasa. Ayon sa mga kapitbahay, nagsaing umano ang pamilya Quillasa gamit ang panggatong na kahoy at iniwan ito na walang nagbabantay. Ito ang itinuturong dahilan ng pagkatupok ng mahigit sa 30 na […]





