SHARIFF AGUAK, Maguindanao (Eagle News) — Matapos hainan ng warrant of arrest noong 2014, sumuko na sa CIDG-Central Mindanao si former Shariff Aguak Mayor Sahara Ampatuan. Napag-alamang sumuko si Ampatuan kay PO2 Patricia Bueno, tauhan ng CIDG, at humiling na samahan siya ng nabanggit na pulis sa pagpipiyansa para sa kaniyang kaso. Matatandaang nahaharap sa kasong murder si Ampatuan at hinainan ng warrant of arrest noong September 2014 matapos diumano nitong ipapatay ang isang council […]





