URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Tinatayang nasa 80 katao ang nakinabang sa ipinamahaging 40 libreng food cart ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang pamamahagi ay isinagawa noong Miyerkules ng umaga, March 22 sa harapan ng City Hall ng Urdaneta City, Pangasinan. Ang mga nabigyan ng nasabing food cart ay nagmula sa 34 barangay ng nasabing lungsod na miyembro ng 4P’s. Bawat isang food cart ay nagkakahalaga ng 30,000 pesos kasama na ang […]





