Nagdadalamhati ngayon ang buong bansa sa pagkamatay ng mga miyembro ng PNP-SAF. Ito’y matapos ang nangyari nitong Linggo, ika- 25 ng Enero kung saan, nagka-engkwentro ang PNP Elite Force laban sa mga miyembro ng MILF at BIFF sa Mamasapano, Maguindanao. 44 ang nasawi sa hanay ng tropa ng ating pamahalaan. Ang nakalulungkot pa ay nangyari ang malagim na engkwentro kahit pa nakataas sa Maguindanao ang Peace Agreement at kasalukuyang dinidinig ang ukol Bangsamoro Basic Law. […]





