MULI na namang bumuhos ang malakas na ulan na tila may bagyo kahapon (Mayo 17, 2016) sa pagitan ng alas 3:00 hanggang 4:30 ng hapon sa bahagi ng Northern Luzon. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ito ay tinatawag na Extreme Thunder Storm. Halos dalawang linggo na itong nararanasan sa lalawigan na kadalasan ay tumatagal din ng halos dalawa hanggang tatlong oras. Kaya ipinapaalala sa mga motorista ang dobleng pag-iingat na dapat gawin sa pagbaybay sa mga […]





