(Eagle News) — Kailangang magkaroon ng mas komprehensibo, mas malawak at malinaw na saklaw ang pagsususpinde ng klase. Ito ang nilalaman ng House Bill 6072 na isinusulong ni “Ang Edukasyon” Partylist Representative Salvador Belaro. Sa panayam ng Radyo Agila, tinukoy ni Belaro na masyadong limitado ang saklaw ng Executive Order No. 66 kung saan mga storm warning signals lamang ang nagiging basehan ng suspension of classes. Ayon kay Belaro, hindi lamang mga bagyo ang maaaring […]





