STO. TOMAS, Pangasinan (Eagle News) — Upang lalong mapangalagaan ang kalusugan ng mga Ministro at Evangelical workers ng Iglesia Ni Cristo sa Pangasinan East, nagsagawa ng EVM Cup ang mga kaanib ng INC na ginanap sa public auditorium ng bayan ng Sto. Tomas sa nasabing lalawigan. Masayang binuksan ang aktibidad sa pamamagitan ng parada ng mga manlalaro na kinabibilangan ng mga ministro at evangelical workers mula sa apat na sub-districts. Nagbigay din ng mensahe ang District […]
Tag: EVM Cup
EVM Cup isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa kanlurang bahagi ng Leyte
KANANGA, Leyte (Eagle News) – Isinasagawa ngayong araw, Biyernes, November 4, 2016 ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Kananga Municipal Gymnasium, Kananga, Leyte ang EVM Cup Ministers & CFO Officer Edition. Ang mga ministro ng ebanghelyo at church workers ay naglalaro ng basketball habang volleyball naman para sa kanilang mga asawa. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bro. Benjamin C. Omelda, District Minister ng Leyte West katuwang si Bro. Herbert Pueda, ministro ng ebanghelyo. Bakas ang […]
EVM Cup at Unity Games isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Cagayan
TUGUEGARAO City, Cagayan (Eagle News) – Napuno ng kasiyahan ang isinagawang EVM Cup at Unity Games ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Cagayan. Isinagawa ito sa Mamba Gymnasium, Tuguegarao City noong Sabado, September 3. Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na mula pa sa iba’t-ibang lokal na sakop ng Distrito ng Cagayan South. Ang mga palaro naman ay masigla ring nilahukan ng mga kaanib ng INC na […]
EVM Cup isinagawa sa Laguna East
Matagumpay na naisagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Laguna Sports Complex, Sta. Cruz Laguna ang kanilang proyekto na pinamagatang EVM Cup kung saan ay dinaluhan ito ng mga kaanib sa INC na nasa silangang bahagi ng lalawigan ng Laguna. Ang EVM cup ay isang paligsahan o palaro na naglalayong lalo pang sumigla sa paglilingkod ang mga kaanib, mabuklod sa pagkakaisa at mapaunlad ang pag-iibigang magkakapatid sa loob ng Iglesia. Dinaluhan ito ng 25 (dalawampu’t-lima) mga […]
EVM Cup matagumpay na idinaos sa distrito ng Bulacan, Occidental at Oriental Mindoro
Patuloy na isinasagawa ng mga ministro at evangelical workers o mangagawa ng Iglesia Ni Cristo ang EVM Cup sa iba’t-ibang panig ng bansa. Sa pagkakataong ito, isinagawa naman ang EVM Cup sa Occidental Mindoro na dinaluhan ng mga taga distrito ng Oriental Mindoro. Sa Bulacan naman, isinagawa na ang finals ng nasabing sports event. (Agila Probinsya Correspondents Alejandro Javier, Leslie Lazo, Hariz Drio)
EVM Cup, isinagawa sa Zambales North, Zambales South at Bataan
Matagumpay na naisagawa ang EVM Cup na nilahukan ng mga ministro na nanggaling sa distrito ng Zambales North, Zambales South at Bataan. Isinagawa ang elimination sa Orani, Bataan kung saan nagharap ang players ng Bataan at ang pinagsamang players ng Zambales North at South. Nagpakitang gilas naman ang mga ito ng husay sa paglalaro ng basketball. Walang sinayang na oras ang mga manlalaro kaya naging mahigpit ang labanan , todo suporta naman ang mga nanunod […]





