(Eagle News) — Hindi naabisuhan ang Bureau of Immigration na sa Clark International Airport mada-divert ang pagbababa ng mga pasahero ng EVA Air mula Taipei sa kasagsagan ng aberya sa Ninoy Aquino International Airport runway dahil sa pagsadsad ng Xiamen aircraft. Sa panayam kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, walang natanggap na abiso ang Clark authorities na doon maglalanding at magbababa ang nasabing aircraft. Ang nabanggit aniya na intensyon ng EVA airplane sa Clark ay refueling […]





