(Eagle News) — Inalis na sa puwesto si Police Supt. Teresita Escamilian, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 12 sa Eastwood Libis. Ito ay kaugnay ng naganap na barilan ng dalawang pulis sa loob mismo ng istasyon na naging dahilan ng pagkamatay ng umawat na supervisor. Paglilinaw naman ni QCPD Director, PC/Supt. Edgardo Tinio, ang pagkatanggal ni Escamilian ay hindi dahil sa may direct liability o pananagutan ang station commander kundi ito ay bahagi ng […]





