Tag: epekto ng El Niño

Epekto ng El Niño lalong lumala sa Cauayan, Isabela

  CAUAYAN, Isabela (Eagle News) — Lalong lumala ang epekto ng El Niño sa lungsod ng Cauayan, Isabela dahil natutuyo na ang mga irigasyon na dati namang hindi natutuyuan ng tubig. Malaki na ang ibinaba ng lebel ng tubig at hindi na makasapat para dumaloy sa mga palayan. Malaking problema ang dulot nito sa mga magsasaka dahil ang inaasahan nilang irigasyon na sana ay magsu-supply ng tubig sa kanilang palayan ay hindi na mapakinabangan.

Tarlac, apektado na rin ng matinding init ng panahon

Matinding kalbaryo ang nararanasan ngayon ng mga taga-Central Luzon, partikukar na sa lalawigan ng Tarlac, dahil sa sobrang init ng panahon na labis na ikinaiirita ng marami at nagiging sanhi pa ng heat stroke at naging dahilan rin ng agarang kamatayan. Sa mga lansangan, kapansin-pansin ang mga kababayan natin na gumagawa ng paraan para maproteksiyonan ang kanilang mga sarili sa sobrang tindi ng sikat ng araw, na halos anila’y nakakapaso at mahapdi sa balat. Mga […]