Hinahamon ng isang environmental coalition ang administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na lalo pa nitong tutukan ang pangangalaga sa kalikasan at karapatang pantao. Sa isang press conference nitong Huwebes, ipinunto ng Ecological Challenge for Change Coalition ang lumalala raw na problema na dulot ng “dirty energy” at “environment-related killings.” Ang koalisyon ay binubuo ng 40 na environmental at people’s organizations. Ayon kay Lia Alonzo, research at advocacy program officer ng Center for Environmental Concerns, marapat lamang na […]





