SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Nagsimula na ang operasyon ng commercial flights sa Surigao City, Surigao del Norte nitong Lunes ng umaga, March 13. Pansamantalang itinigil ang mga flight sa nasabing paliparan matapos itong salantain ng lindol noong nakaraang buwan. Ayon kay Engr. Junelito Abrazado, CAAP Manager ng Surigao City Airport, unang nagbalik ng operasyon ang Cebu Pacific na mayroong rutang Cebu-Surigao-Cebu. Nakatakda naman ang operasyon ng Philippine Airlines sa March 26. Dagdag […]





