Tag: drug surrenderees

Community Enhancement Livelihood Program para sa drug surrenderees inilunsad

ROXAS, Palawan (Eagle News) – Pormal nang inilunsad sa Roxas, Palawan ang programa nitong tutulong sa drug surrenderees ng Oplan Tokhang, Upang sila ay makapagbagong buhay at maging maayos at produktibo ang kanilang pamumuhay. Tinalakay ni Palawan CELP Team Leader Ms. Ma. Teresa Acda ang mga nakapaloob sa programang ilulunsad. Ipinaliwanag din kung ano ang magiging bahagi ng bawat sektor ng mga komunidad para sa recovery process ng drug surrenderees. Pagkatapos na maipaliwanag ang lahat ni Acda ay […]

PNP Chief Dela Rosa, pinangunahan ang pagtatapos ng 180 drug surrenderees sa Pangasinan

(Eagle News) — Pinangunahan ngayon ni Philippine National Police chief Ronald Dela Rosa ang isinagawang pagtatapos ng may 186 mga drug surrenderees sa bayan ng Laoac lalawigan ng Pangasinan. Si Dela Rosa ay nagsilbing guest of honor and speaker sa pagbubukas ng bagong himpilan ng pulis sa bayan ng Laoac, kung saan ay ideneklara na isa nang ganap na drug cleared municipality ang bayan ng Laoac. Dito rin ay iprenesenta ang pagtatapos ng may 186 […]

DOH, naniniwalang malaki ang maitutulong ng Iglesia Ni Cristo sa mga sumasailalim sa drug rehab

MOA ng Iglesia Ni Cristo at DOH para matulungan ang drug surrenderees, nilagdaan QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Pumirma sa isang memorandum of agreement ang Iglesia Ni Cristo at Department of Health. Layunin ng memorandum of agreement na matulungan  at mahikayat ang mga illegal drugs surrenderee na huwag nang bumalik sa paggamit ng droga. Lumagda sa kasunduan sina INC General Secretary Brother Radel Cortez at Dr. Elmer Punzalan, Assistant Department Secretary and Head of […]

Run Against Illegal Drugs matagumpay na naisagawa sa Tabango, Leyte

TABANGO, Leyte (Eagle News) – Sa pangunguna nina Tabango Mayor Bernard “Benjo” Remandaban at Leyte 3rd District Board member Hon. Maria Corazon Remandaban ay matagumpay na naisagawa ang “Run Against illegal Drugs (RAID)”. Isinagawa ito sa bayan ng Tabango, Leyte noong Linggo, December 11, 2016. Ayon kay PSI Darwin Dalde, Chief of Police ng Tabango, humigit kumulang sa 1,000 ang lumuhok sa 5 kms at 10 kms run. Unang lumahok aniya sa nasabing aktibidad ang mga […]

Puwersa ng kapulisan, kasundaluhan at drug personalities, maghaharap sa isang Basketball Tournament

SALVADOR, Lanao del Norte (Eagle News) – Nagsimula na ang sagupaan sa pagitan ng kapulisan ng Salvador MPS, kasundaluhan ng 15IB ng Phil. Army at mga drug personalities sa isang Basketball Tournament. Isinagawa nila ito sa covered court ng Barangay Poblacion, Salvador, Lanao Del Norte kamakailan. Layunin ng nasabing aktibidad matulungan ang drug surrenderees na lubos na makapagbagong-buhay. May tema rin itong “Sa Henerasyong ito, Adik sa Basketball ang Uso”. Sa pagsisimula ng aktibidad ay dumalo […]

Pangkabuhayan Project para sa mga drug surrenderees, sinimulan na

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Sinimulan na ang bagong programa ng Provincial Public Safety Company (PPSC) na tinatawag nilang “PPSC Pangkabuhayan Project” bilang pagtulong sa mga reformist o drug surrenderees. Ngayong araw ng Lunes, November 21 ay sinimulan ng linisin ng mga reformist ang bakanteng lupa ng PPSC upang pagtaniman ng iba’t-ibang klase ng gulay. Bukod sa dagdag na pagkakakitaan, magiging abala rin ang kanilang kaisipan at mafo-focus ito sa lalong ikasusulong sa kanilang ganap na pagbabago. Sa mga […]

Drug surrenderees nakipagkaisa sa isinagawang Fun Run sa President Roxas, Capiz

PRESIDENT ROXAS, Capiz (Eagle News) – Kaugnay ng Philippine National Philippines (PNP) Patrol Plan 2030 at ng 116th Civil Service Commission Anniversary ay isinagawa ang Fun Run sa municipal public plaza ng President Roxas, Capiz. Nilahukan ito ng drug surrenderees at ng iba’t-ibang ahensiya ng Lokal na Pamahalaan. Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Municipal Mayor Receliste Escolin kasama ang mga barangay kapitan ng President Roxas. Nakipagkaisa rin ang mga empleyado ng ahensiya ng lokal na Pamahalaan, mga […]