Tag: droga

P1.1 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Maynila; 3 arestado

Ni Paolo Macahilas Eagle News Service MAYNILA, Philippines – Nasabat ng mga otoridad ang P1.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa isang establisimyento sa  Maynila nitong Martes ng gabi, ika-3 ng Abril. Arestado ang dalawang lalaki at isang babae na kinilala pa lamang sa kanilang mga alyas sa isinagawang operasyon ng Manila Police District  Drug Enforcement Unit, Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region at MPD Station 3 sa Binondo. Ayon kay Police […]

Mga pantalan sa Palawan, mahigpit na binabantayan ng PDEA

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Mahigpit na babantayan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga pantalan sa Palawan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga sub-station dito. Ito ang sinabi ni PDEA General Director Aaron Aquino sa pagdalaw niya sa lalawigan kamakailan. Base umano sa kanilang intelligence report ay nagagamit bilang bagsakan at lugar ng transaksyon ng iligal na droga na nagmula sa ibang bansa ang mga pantalan. Kabilang na nga dito […]

PDEA, bukas sa posibleng pagbalik ng PNP sa giyera kontra droga

  Ni Mar Gabriel Eagle News Service Bukas ang Philippine Drug Enforcement Agency sa inilutang na posibilidad ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling isabak ang Philippine National Police sa giyera kontra droga. Malaking tulong daw ito sa kanila kung sakasakali lalo’t noong una pa lang ay aminado na sila na marami silang limitasyon partikular na sa bilang ng kanilang mga tauhan. “Truthfully speaking, limited scope (namin). There might be a possible resurgence left and right, […]

Police now probing killings of 3 persons of interest in Bulacan massacre

(Eagle News) — The police are now investigating the killings of three persons of interest in the murder of five members of a family in San Jose Del Monte, Bulacan. “I just would like to remind them that we are a government of laws,” Senior Supt. Romeo Caramat Jr.  Bulacan provincial director, said in a radio interview in explaining the need for the probe into the deaths of Anthony Garcia Rose, alias Tony;  Roosevelt Merano Sorema, […]

Third “person of interest” in Bulacan massacre found dead

(Eagle News) — Another person of interest in the killing of five members of a family in Bulacan has been found dead. A radio report said alias Tony’s body was found in San Miguel, Bulacan. Alias Tony’s death comes days after other persons of interest, Roosevelt Sorima alias Ponga, and Ronaldo Pacinos alias Inggo, were killed. Pacinos’ body was found last Tuesday at Phase 7, North Ridge Subdivision in Barangay Santo Cristo, with a cardboard that read, […]

Suspek sa masaker sa Bulacan, negatibo sa drug test; mga bagong testigo lumutang

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan (Eagle News) – Nagnegatibo sa paggamit ng iligal na droga ang suspek sa pagpatay sa isang pamilya sa San Jose del Monte City, Bulacan. Ang suspek na si Carmelino Ybañez, na isang construction worker, ay una nang umamin na siya ang pumaslang sa limang miyembro ng isang pamilya sa probinsiya. Sinabi din nito na siya ay nakagamit ng droga nang patayin niya ang mga biktimang sina Estrella Carlos, Aurora […]

Dating pulis na may kasong murder, nasakote ng NBI matapos ang 25 taon niyang pagtatago

Ni Erwin Temperante Eagle News Service Makalipas ang 25 taong pagtatago sa batas, isang dating pulis na may kinakaharap na kasong murder ang nasakote rin ng National Bureau of Investigation. Kinilala ng International Operation Division ang suspek na si retired P03 Rodolfo “Boy” Gamuyao. Nakabinbin ang kaniyang kaso sa Bacolod Regional Trial Court, na nag-isyu ng arrest order laban sa kaniya noong 1992. Nagtakda ng walang piyansa ang korte para sa retiradong pulis. “Akala ko OK na. Di […]

800 sumuko na nasangkot sa iligal na droga, pinulong sa Angat, Bulacan

ANGAT, Bulacan (Eagle News) – Pinulong ang mahigit 800 katao na sumuko at umaming gumagamit ng droga na isinagawa sa Angat Gym, Bulacan. Ayon kay Angat Municipal Mayor Leonardo de Leon, pangatlong ulit na ito ng serye ng pagpupulong na kanilang isinasagawa sa kanilang bayan. Inorganisa na nila ang ganitong mga aktibidad upang matulungan ang kanilang mga kababayan na nahulog sa masamang bisyo para makapagbago. Sa pagpupulong ay mayroong attendance upang malaman kung ang mga dati […]

Municipal councilor, huli sa buy bust operation

LANAO DEL SUR (Eagle News) — Halos kalahating milyong piso ang halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha sa isang municipal councilor sa Lanao del Sur. Kinilala ni PDEA-Caraga Regional Director Julius Navales ang suspek na si Rakim Sangkian na natiklo sa buy bust operation na isinagawa ng PDEA-Caraga at Region 10 Police. Tinatayang 100 gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha mula sa suspek na liban sa pagiging councilor ay chairman din ng Peace and Order […]