(Eagle News) — Nararanasan pa rin ang pagbaha sa maraming lansangan sa kasalukuyan kung kaya naman patuloy na nagbabala ang mga eksperto na lalong mag-ingat sa leptospirosis. Ayon kay Dr. Daisy Tagarda, isang fellow sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), ang leptospirosis ay sakit na maaaring makuha sa paglusong sa baha na kontaminado ng leptospira bacteria na nagmumula sa ihi ng mga hayop tulad ng daga. Kabilang naman sa sintomas ng leptospirosis […]





