Ni Mar Gabriel Eagle News Service Bukas ang Philippine Drug Enforcement Agency sa inilutang na posibilidad ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling isabak ang Philippine National Police sa giyera kontra droga. Malaking tulong daw ito sa kanila kung sakasakali lalo’t noong una pa lang ay aminado na sila na marami silang limitasyon partikular na sa bilang ng kanilang mga tauhan. “Truthfully speaking, limited scope (namin). There might be a possible resurgence left and right, […]





