(Eagle News) — Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga motorista laban sa pekeng Land Transportation Office (LTO) social media page na umano’y nag-aalok ng serbisyo sa pamamagitan ng online transactions. Ayon sa DOTr, ang page na ‘Land Transportation Office License Division,’ ay hindi ang official account ng LTO. Scammer anila ang nasabing page. Sabi ng DOTr, ang LTO ay hindi nakikipag-transaksyon sa pamamagitan ng courier o SMS at hindi rin tumatanggap ng payments […]





