(Eagle News) — Sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation, nagsagawa ng medical at dental mission ang Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Tinglayan sa lalawigan ng Kalinga ngayong araw, Hulyo 27. Dito ay nakinabang ang mga kababayan natin mula sa iba’t-ibang tribo sa nasabing bayan. Sa pangunguna ng Social Services Office ng Iglesia Ni Cristo, sila ay napagkalooban ng libreng check-up, bunot ng ngipin at mga gamot. Ayon kay Brother Franklin Villamar, Assistant District […]





