(Eagle News) — Humihingi na ng paumanhin ang Philippine Post Office (PHL Post) sa mga makararanas ng pagkakaantala ng kanilang mga inaabangang padala o package. Dahil ito sa inaasahang pagdagsa ng mga padala, partikular na ang mga parcel o package na may halagang ten thousand pesos pababa ang mga laman. Paliwanag ni Assistant Postmaster General Luis Carlos, malaki ang epekto ng pagbaba ng Department of Finance sa de minimis o pinakamababang halaga ng mga gamit […]





