(Eagle News) — Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT-3 dahil sa delay sa deployment ng mga tren nito kaninang umaga, dahilan upang humaba ang pila ng mga pasahero sa bawat istasyon. Sa abiso ng MRT-3, sinabi nila na ito ay dahil sa isinagawang pre-insertion checks. Kanina, tiniyak naman ng MRT-3 na magdaragdag pa ng mga tren upang makaagapay sa mga apektadong pasahero. Nasa 12 tren na ang operational sa linya […]





