MANILA, Philippines (Eagle News) — Itinanggi ng Malacañang na pantapat sa Tindig Pilipinas ng Liberal Party ang Tapang at Malasakit Alliance Philippines. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang balak ang kampo ni Mayor Sara “Inday” Duterte na lalong hatiin ang bansa sa pagtatatag ng Tapang at Malasakit Alliance Philippines. Ayon kay Abella, ang pangunahing layunin ng Tapang at Malasakit Alliance Philippines ay para pag-isahin ang grupong sumusuporta sa isinusulong na pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte. […]





