Tiniyak naman ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo sa Bataan na hindi makaapekto sa daloy ng trapiko sa probinsya ang gagawin nilang pamamahayag bukas. Bagamat may mga isasarang kalsada ay marami namang ikakalat na traffic enforcer na gagabay sa mga motorista. (Agila Probinsya Correspondent Larry Biscocho)
Tag: “Dakilang Pamamahayag”
Mga miyembro ng INC sa Rizal handang-handa na sa gagawing “Dakilang Pamamahayag ” bukas
Magkasunod na aktibidad ang isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Rizal bilang preparasyon sa gagawing “Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos” na gagawin bukas na gaganapin sa Philippine Arena. Ngayong araw ay nagsagawa rin sila ng motorcade para sa sabay-sabay na mag-anyaya ng mga dadalo sa nasabing pamamahayag (Agila Probinsya Correspondent Djun Asedillo)
Mga miyembro ng INC sa Ilocos Sur handa na rin para sa “Dakilang Pamamahayag”
Handa na rin ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa distrito ng Ilocos Sur sa kanilang pakikiisa sa gagawing “Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos. Limampung remote sites sa nasabing probinsya ang magsisilbing dako ng pamamahayag. (Agila Probinsya Correspondent Sunny Liste)
Mga miyembro ng INC sa Laguna puspusan na rin ang paghahanda kaugnay ng “Dakilang Pamamahayag”
Puspusan na rin ang ginagawang preparasyon ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Laguna para sa gagawing “Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos” na gaganapin sa Philippine Arena sa araw ng Sabado, Setyembre 26. Ang nasabing aktibidad ay pangungunahan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo sa araw ng bukas sa ganap na ika-pito ng gabi. (Agila Probinsya Correspondent Judith Llamera)
Paghahanda ng mga miyembro ng INC sa Benguet para sa “Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos,” puspusan na
Puspusan na ang ginagawang preparasyon ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa distrito ng Benguet kaugnay ng gagawing “Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos” sa araw ng Sabado, Setyembre 26. Labing-anim na remote sites sa probinsya ng Benguet ang napili para pagsagawaan ng nasabing malaking pamamahayag. (Agila Probinsya Correspondent Cesar Archer)
Iglesia Ni Cristo members conduct motorcade, ready for most extensive Bible exposition
QUEZON City, Philippines – In anticipation of the most extensive Bible exposition that will be held tomorrow, September 26 at the Philippine Arena, members of the Iglesia Ni Cristo conducted a motorcade, with many participating in the one-hour activity which started 8 in the morning. INC members showed their excitement in the event as they geared up for the worldwide evangelical mission to be led by none other than the INC’s Executive Minister, Bro. Eduardo […]
Motorcade at Saturation Drive isinagawa para sa paghahanda sa “Dakilang Pamamahayag”
Isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na mula sa lokal ng De Castro, distrito eklesiastiko ng Metro Manila East ang isang Motorcade at Saturation Drive para sa paghahanda sa isasagawang “Dakilang Pamamahayag” na pangangasiwaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ang kapatid na Eduardo V. Manalo sa araw ng Sabado, Setyembre 26 sa Philippine Arena. (Photos by Joyce Kathleen Mora)





