Tag: Cubao Station

MRT-3, muling nagkaaberya kaninang umaga

(Eagle News) –  Muling nakaranas ng aberya ang Metro Rail Transit o MRT-3 nitong umaga ng Lunes, October 2. Sa kanilang twitter account, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na naranasan ang nasabing aberya sa Cubao Station bandang 6:37 ng umaga. Inilagay ito sa Category-3. Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa nasabing aberya. Sa ngayon ay may 18 bagon ang gumagana sa MRT-3.   https://www.youtube.com/watch?v=4o00xkKlyQM&feature=youtu.be