(Eagle News) — Ipinaaaresto ngayon ng Sandiganbayan (SB) si former Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at 10 iba pa kaugnay ng kasong graft na isinampa sa mga nabanggit matapos ang umao’y maanomalyang courier deal na kinasangkutan ng PNP noong 2011. Napag-alamang nag-award ng kontrata ang PNP sa Werfast Documentary Agency, Inc. noong Mayo 2011 para sa delivery ng firearms licenses ng mga aplikante sa kabila ng kawalan ng public bidding at kakulangan ng […]





