(Eagle News) — Nakikipagtulungan na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos ang nangyaring jailbreak sa Cotabato District Jail sa Amas, Kidapawan City. Magiging katuwang ng BJMP ang AFP at Special Action Force (SAF) ng PNP sa clearing operations sa palibot ng kulungan at sa mga kalapit lugar. Inilunsad na rin ang manhunt operations sa isandaan at tatlumput dalawang (132) inmate […]





