Umabot na sa halos 75,964 na pulis ang sumailalim sa mandatory drug testing ng Philippine National Police buhat nang mahalal sa pwesto si pangulong Rodrigo Duterte. Sa bilang na ito, 116 na pulis ang nag-positibo sa droga sa isinagawang confirmatory drug testing ng PNP crime laboratory. Ayon kay Pol. Senior Supt. Fausto Manzanilla, executive officer ng Directorate for Investigative and Detection Management, sumasailalim na sa pre charge evaluation ang naturang mga pulis. Pagkatapos nito agad […]





