BAGUIO CITY, Benguet (Eagle News) – Bakas sa mga mukha ng mga bata ang kaligayahan ng makatanggap sila ng munting regalo at kalinga mula sa pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isinagawang community activity relations service sa Baguio City Athletic Bowl. Ang naturang programa o home visitation activity ng BJMP ay may temang, “Pag aaruga ko, Kasama family mo.” Naglalayon ito na matulungan ang mga batang anak ng inmates ng Baguio City Jail. […]





