QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Tinukoy ng Commission on Elections (COMELEC) at Commission on Human Rights (CHR) ang pitong lugar sa bansa na posibleng mapabilang sa areas of concern ngayong darating na eleksyon. Ito ay kinabibilangan ng ARMM, Masbate, Abra, Laguna, Nueva Ecija, Bulacan at ang San Juan City. Kasabay ng pagtukoy sa mga nasabing areas of concern, lumagda sina COMELEC Chairman Andres Bautista at CHR Chairman Chito Gascon sa isang memorandum of understanding […]





