CAMARINES NORTE (Eagle News) – Sinasamantala umano ng makakaliwang grupo ang pag-alis ng ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang nakikitang dahilan sa mga naitalang bakbakan sa pagitan ng Militar at CCP/NPA sa Albay, Sorsogon, at Masbate. Tiniyak naman ang kahandaan ng Armed Forces of Philippines (AFP) partikular na ang 902nd Infantry Brigade sa pamumuno ni Col. Ferozaldo Paul Regencia na proteksyunan ang mamamayan sa Bicol laban sa mga pagkilos o masamang gawain ng makakaliwang grupo. […]





