MANILA, Philippines (Eagle News) — Sinimulan na nitong Martes, Abril 10, ang paglilinis sa ilang tourist spots sa Oslob, Cebu. Isinara na rin ng mga otoridad ang sandbar at diving site sa isla ng Sumilon dahil sa mga basurang iniwan ng mga turista nitong long holiday. Ayon sa lokal na pamahalaan ng Oslob, pansamantalang isasara ang isla ng Sumilon mula Abril 10 hanggang Abril 16. Kahapon ng umaga ay nagtulung-tulong na nagsagawa ng coastal cleanup […]
Tag: Coastal Clean-up Drive
Coastal clean up drive isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Iligan City
ILIGAN CITY, Philippines (Eagle News) – Masayang nakipagkaisa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa dako ng Fuentes, Brgy. Maria Cristina, Iligan City sa isinagawang clean up drive ng dalampasigan sa kanilang lugar kamakailan. Ayon sa kanila sinamantala nila ang mahabang bakasyon para makatulong sa kalikasan lalo na sa dalampasigan. Pinulot nila ang mga basura at binunot naman ang mga tumubong mga damo sa tabi ng dagat. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bro. […]
Mga kabataang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Mariveles, Bataan nagsagawa ng coastal clean-up drive
MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang coastal clean-up drive ng mga kabataang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Matel Beach, Mariveles, Bataan noong Linggo, April 2. Isinagawa ang nasabing aktibidad upang makatulong sa Lokal na Pamahalaan ng Mariveles sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran. Makaiiwas din aniya ang publiko na pumupunta sa beach sa anumang uri ng sakit dulot ng maruming basura naitatapon sa dagat. Larry Biscocho – EBC Correspondent, Bataan
Coastal clean up drive sa Manila Bay, matagumpay na naisagawa
METRO MANILA, Philippines (Eagle News) – Nagsagawa ng coastal clean up drive kamakailan ang dalawang grupo ng NGO sa tabi ng US Embassy. Layunin ng grupo na mapangalagaan ang Manila Bay. Maaga pa lang ay nagtipun-tipon na ang mga kasapi ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) at Motorcycle Riders Againts Crimes (MRAC) para pagtulungang linisin ang tabing dagat ng Roxas Boulevard. Makikita ang kahandaan ng mga dumalo dahil nagsuot sila ng bota at hands glove, may dala rin […]
Coastal Clean Up Drive sa Puerto Princesa isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo
PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Maaga pa lamang noong Miyerkules, November 30, 2016 ay nagtungo na ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa isang barangay ng Puerto Princesa, Palawan upang isagawa ang Coastal clean up drive. Ayon kay Bro. Marlon Marcelo, Ministro ng ebanghelyo, isinasagawa nila ang ganitong aktibidad upang panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng coastal area. Pakikipagkaisa din aniya nila ito sa pananawagan ng Pamamahala ng INC na ipagmalasakit ang kapakanan ng […]
Coastal Clean-Up, isinagawa sa pangunguna ng Palawan Bantay Turista
PALAWAN, Philippines (Eagle News) — Nagsagawa ng coastal clean-up ang Palawan Bantay Turista Office sa Port Barton, San Vicente na ginanap noong Hulyo taong kasalukuyan. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, (PDRRMO), Palawan Rescue 165 at ng komunidad nito. Layunin ng ganitong programa na makatulong sa mga residente ng Port Barton na mapangalagaan at mapanatiling malinis ang kanilang baybaying-dagat. Gayundin, upang lalong mahikayat ang bawat isa na ipagpatuloy ang regular na pagsasagawa ng coastal clean-up drive […]
Coastal Clean Up Drive isinagawa ng mga miyembro ng SCAN International Ilocos Sur Chapter
Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang mga miyembro ng SCAN kabilang na ang mga miyembro nito na mayroong kapansanan sa lalawigan ng Narvacan, Ilocos Sur. Ang kanilang kapansanan ay hindi naging hadlang upang ipakita ang kanilang pakikiisa sa isinagawang aktibidad. Layunin ng aktibidad na ito na makatulong at maipakita ang pagmamalasakit sa kalikasan. (Agila Probinsya Correspondent Koko Victorio)
Coastal Clean-up Drive sa San Francisco, isinagawa
Nagsagawa ng isang coastal clean-up drive operation ang Irun Foundation Incorporated, isang samahan ng mga kabataan na mayroong hangaring makatulong sa kanilang bayan lalo na sa mga residente na naninirahan sa baybaying dagat na mapangalagaan at mapanatili ang kalinisan sa lalawigan ng San Francisco, Quezon. (Agila Probinsya Correspondent Joel Sanao)





