Tag: Clean-up Drive

Mga miyembro ng INC nagsagawa ng clean-up drive para sa gagawing Grand Evangelical Mission

Nagsagawa kamakailan ang mahigit isang daang miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng isang clean-up drive o paglilinis sa kapaligiran ng corporate center ng clark development corporation o cdc at Clark Parade Grounds sa lalawigan ng Clark, Pampanga. Ang nasabing paglilinis ay bilang paghahanda sa isasagawang malaking Evangelical Mission o Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos ng Iglesia Ni Cristo sa darating na Setyembre 26, 2015 na dadaluhan ng mga miyembro at kanilang mga panauhin na […]

Clean up Drive, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Cagayan

AGILA Probinsya — Naglunsad ng isang Clean Up Drive ang Iglesia Ni Cristo sa Tuguegarao lalawigan ng Cagayan na isinagawa sa loob ng bakuran ng Department of Education (DepEd) Regional Office. Lubos naman ang naging pasasalamat ng pamunuan ng DepEd sapagakat nabawasan ang kanilang alalahanin kaugnay ng isasagawang paghahanda sa DepEd Summit na gaganapin sa naturang tanggapan.

Iglesia Ni Cristo sa Zambales, nagsagawa ng Clean Up Drive

AGOSTO 18 (Agila Probinsya) — Nagsagawa ng Coastal Clean Up Drive ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Zambales. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng SCAN International kung saan ay nilinis nila ang baybaying dagat ng barangay Sto. Rosario at Bangantalinga. Ang ganitong aktibidad ai isa lamang sa maraming Socio-civic Activity na isinagawa ng Iglesia Ni Cristo. Kaya bukod sa pamamahagi ng Pananampalatay na siyang pangunahing gawain ng Iglesia Ni Cristo ay […]

Coastal clean-up drive, inilunsad sa Pagudpud

Nagsagawa ang SIKA o Sirib Ilokano Association, Municipal Environment Office, Department of Transportation (DOT), at ilang LGU’s ng coastal clean-up drive sa lalawigan ng Ilocos Norte. Layunin ng aktibidad na ito na maipaalala sa mga mamamayan ang kahalagahan ng proper waste management. Humigit 150 na mga guro, mag-aaral ng Pagudpud National High School, opisyales ng komunidad at mga volunteers ang nakiisa sa clean-up drive na ito. (Agila Probinsya Correspondents Weller Reyes, Chester Allan Eduria)

Clean-up Drive, isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Bataan

Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Baranggay Ala-uli, Pilar bataan ay nagsagawa ng isang clean-up drive sa kahabaan ng Governor Jj Linao National Road . Ang clean-up drive na kanilang isinagawa ay isa mga aktibidad ng Iglesia Ni Cristo sa Bataan upang maipadama sa mga tao ang malaking pagmamalasakit ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang ukol sa kalinisan ng kapaligiran at upang makaiwas sa anomang sakit lalo na sa panahong ito. […]

Clean up drive ng Iglesia Ni Cristo, isinagawa sa lalawigan ng Palawan

Nilahukan ng bayan ng Aborlan, Narra, at Quezon ang isinagawang clean up drive ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Rizal, Palawan. Layunin ng clean up drive na ito na higit pang lalong mapangalagaan ang ating kalikasan. Kaisa rin sa aktibidad na ito ang Mayor ng nasabing bayan na si Mayor Alrie D. Nobleza. (Agila Probinsya Correspondent Kristine Fabro, Jun Fabro, Marites Arpellida, Eagle News Service MRFaith Bonalos)