ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Matapos ang halos apat na buwang screening process na isinagawa ng Police Regional Office 9-Recruitment and Selection Board ay umabot sa kabuuang bilang na 500 bagong pulis na may ranggong PO1 ang pinapanumpa na. Sinaksihan ng mga pamilya ng mga aplikante ang okasyon na idinaos sa PRO 9 Multi Purpose Hall, Barangay Mercedez, Zamboanga City. Pinangunahan ni Chief Supt. Billy Beltran, Regional director ang nasabing oath-taking. Pinuri niya sa kaniyang mensahe […]





