(Eagle News) – Isang greyhound operation ang ikinasa sa mga kulungan ng Cainta Municipal Jail nitong Lunes, Agosto 27. Ang operasyon ay isinagawa kasama ang Bureau of Jail Management and Penology-Cainta, Philippine Drug Enforcement Agency, tauhan ng barangay, Philippine National Police (PNP) at Bureau Fire Protection (BFP). Pinasok ng mga operatiba ang bawat dormitoryo ng mga person’s deprived with liberty (PDL). Isa-isang sinayasat ang mga inmate, pinalabas ng selda at inipon sa isang lugar, pagkatapos […]





